Itanong mo sa Google

Saturday, May 3, 2008

TAGTAGIN NYO MUKHA NYO!!! : The Infamous Tag at the Blog

"Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog."

DIYES!
Ayoko sa taong mabulong! Yung ba na kaharap mo tapos bumubulong bulong! Ayun!


NUEVE!
Kung naliligaw ka sa Maynila, Text mo ko ituturo ko sa iyo kuung paano

OTSO!
Di pa ko nakakalabas ng Pilipinas.

SYETE!
Maka GMA7 ako pero anti-pGMA ako

SAIS!
Wala talaga akong tyaga sa DotA. Oo naglalaro ako dati pero di ako masyadong nageenjoy. At hanggang "Killing Spree" lang ako, depende pa sa mga kalaban.

CINCO!
Kung may galit ako sa isang tao. Para mapatawad ko sya eh ilibre lang nya ako ng food mawawala na ang galit ko

CUATRO!
Mainstreamist ako pagdating sa music. Kung mainstream ka maaari ko syang magustuhan. Pero depende parin dahil sa melody ko kina-criteria eh..

TRES!
Mabagaaaaaaal ako kumilos pag aalis ako. Kaya madalas naleleyt na ako sa mga appointments ko. Pagsinabing magkikita ng 3pm, aalis lang ako ng 3pm. Galing noh?! At para mahintay nila ako, sinasabi ko na nasa ganito na ako na meedyo may kalapitan na sa lugar. Example sasabihin ko nasa MRT na ko pero pasakay pa lang ako ng FX.

DOS!
Pag lasing ako, dalawa lang yan..Kung hindi makulit, tahimik. Tawa ng tawa saka sobrang lakas ng boses.

UNO!
Jolly person! Pag sobrang close ko sa isang tao, makulit ako. Pero pag yung mga di close and ung mga taong nahihiya ako akala mo napakaamong put@ este tupa.


TAGTAGIN NYO MUKHA NYO!!! =))