Itanong mo sa Google

Thursday, February 15, 2007

ang dakilang tricycle

Napansin mo na ba na kapag nagbigay ka ng buong pera sa drayber ng tricycle ay minsan lang o hindi ka nito susuklian ng tama? Lagi itong nangyayari sa akin, at ang nakakainis pa eh hindi ko man lang masabing: "manong, kulang ata sukli niyo ah" dahil naaawa rin ako sa kanila dahil sa hirap ng buhay ng mga pilipino. Buti nalang sa dyip ay hindi ito pwede mangyari dahil "fixed" ang mga rate at barya-barya lang naman talaga ang ibinabayad ng mga tao. isa pang napapansin ko sa halos araw-araw na pagsakay ko sa tricycle ay ang dalawang uri ng driver. Nandyan ang driver na napakatulin magpatakbo, talagang napaka-daredevil ang dating, mabuti pa sana kung ang motorsiklo ay bago at talagang kaya pa, eh ang kaso ay mayroong mga driver na ang motor ay kasing-tanda na ni Fidel V. Ramos na talagang pinipilit na mapaabot ng 120mph ang antigo nilang mga motorsiklo. Ang pangalawang uri naman ay ang kabaliktaran nito, oo, ang driver na talagang papausukan ka sa lahat ng sasakyan sa harap niyo(kahit kapwa tricycle) dahil sa sobrang ingat niya sa motorsiklo ay hindi niya mapapayagan na patakbuhun ito ng lampas 40kmph, ang resulta ay pagkakabisado mo ng sticker sa bumper ng sinusundan niyong starex. Hindi naman lahat ng tungkol sa tricycle ay negatibo. Marami-raming bagay ang gusto ko sa mga tricycle. Una sa lahat ang kanilang nakakatuwang mga kulay, green, yellow, red, aluminum, hello kitty*(maton ang drayber), atbp. isa rin ang kanilang kakayahang sumingit sa mga eskinitang di madaanan ng kahit na anong nilalang. Syempre di mahuhuli ang advertisments sa loob tulad ng: LOSE/GAIN wt. safely, VOTE ALLAN CAYETANO, at SAYANG ANG SMILE(ginupit-gupit yata ung miles). Sa panghuli ay masasabi ko na napakaimportanteng bahagi ng kulturang pilipino ang tricycle dahil sa ginhawang nadudulot nito at dahil talo ng mga ito ang kahit na anong "thrill rides" sa disneyland.

-Cipher

No comments: