Itanong mo sa Google

Friday, April 20, 2007

See You Soon

Tapos na nga ang high school life... Siguradong mamimiss ang isa't isa. Ngunit isa lang ang napatunayan ko. Malungkot man ang paghihiwalay, siguradong sa muli nyong pagkikita ay di lang basta ligaya kundi tuwa ang mararamdaman. Hindi man High School. Maari din ito mangyari sa pagkabata mo...ung mga 7 to 8 yrs old. Nakakatuwa isipin kasi naman mayroon akong childhood friend na bigla akong inadd sa YM! Hindi agad ako nagtanong sa sarili ko kung sino to... Kilala ko talaga to! Kaya syempre inadd ko. Kamustahan at nakipagchat sa kanya. Parehas kaming tuwang tuwa sa isa't isa (na sya man ay natuwa). Inisip ko yung mga taong naging parte naman ng hayskul ko. Paano kung di kami magkita ng mahigit 8 taon at magkita nalang kami bigla. Isang nakakaaliw at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao ang makita muli ang taong naging parte ng buhay mo. Nung bata ka man o matanda na. Habang dina-download ko ang Graduation Song (Go The Distance ni Michael Bolton) at nakikinig (dahil nakabukas lang ang TV at walang nanonood) ng Jumong (dahil hinihintay ko ang Bubble Gang), nakapag-flashfront ako (kung may flashback.. may flashfront dapat [wag gayahin ang joke]). Ano kaya ang itsura ng mga taong nagsawa ako sa mga pagmumukha nila makalipas ang halos isang dekada? Yung mga naklasundo ko sa klase (hindi yung mga PLASTIK! tama narinig nyo...PLASTIK...[ignatius alam nyo sana kung sino sila at kayo]) . Dito magkakaalaman kung sino ang talagang may paninindigan sa WALANG IWANAN. Well malalaman ang susunod na kabanata pagkatapos ng mga maraming pangyayaring magaganap. Makalipas ang pagbuwag ng Wowowee, pagalis ng mga Arroyo sa Malacanang na sa halos isang dekadang nagpahirap ng bayan, uupo ang bagong pangulo (SUPPORT CHIZ ESCUDERO FOR PRESIDENT, 2010 ELECTION), Pagkamatay ng mga artista at pulitiko, Pagkabuhay ng bagong artista at pulitiko, Pagkakaroon ng TV Show na pinangungunahan ni Jose Manalo, Pagkatanggal ni Willie sa Dos, Paglipat ni Dolphy sa Syete, Pagtakbo ni Binoe sa Senado, Pagkasikat ni Gregorio Kalachuchi( sino sya?) at ang paglaya ni Erap.

See you soon TRUE friends.

Friday, April 6, 2007

Ang Pagsusulat Sa Kalagitnaan ng Biyernes Santo at Sabado de Gloria

Di ako makapaniwala sa pinanood ko kahit ikalawang beses ko ng punanood yun. Nakakasira ng ulo... Maari bang mangyari sa buhay ng isang tao ang makipagkilala sa isang taong matagl ng nag eexist?? Wow pang Holy Week nga ang tema...Nakakakilabot...Marami kasi nagsasabi na patay daw ang Diyos sa mga ganitong araw kayat maraming mga kababalaghan ang mga nangyayari...Naalala ko kasi nung bata ako...Wag na wag daw akong masusugatan kasi hindi hihilom...patay nga daw ang Diyos...pero ngayon ko lang naisip na hindi talaga totoo yung kasabihan na yun...Kasi yung mga lalaking hinahampas ang likod tuwing mahal na araw at ang mga nagpapapako sa krus...Sila sila parin...Ibig kong sabihin gumaling yung sugat nila at sa susunod ulit na taon sasali sila....Hmmm....Baka sabihin nila...Praise the Lord ah...Kasi yung daw mga iba umiinom ng alak pagkatapos daw ng penitensya nila...Gamot nga sabi nila...Mas mabisang gamot sa betadine at Clusivol. Stop muna ako....Next time nalang muna...