Itanong mo sa Google

Sunday, July 15, 2007

OPLAN: Inuman nanaman

Igneyshus again. Bad trip ako nung araw na yun kasi una ang sakit ng ulo ko at pangalawa di ko naabutan si Sir Tayam para batiin ng Happy Birthday at ayun di ko rin nakita yung mga dati ko pang kaklase since hindi nakapunta lahat ng mga kosa. So I was there at 7:30pm July 13, 2007, nobody was there except my lovy dobs Sir Taller, Sir Sombrito and Sir Magbuhos. Then Sir Pablo came too. Wala na nga din ung uncle ko eh. But anyway I texted JM para hatid ako sa house ni John since hindi nanaman nagkatotoo ang wish namin ni Popzie na sa Gerry's Grill Trinoma sana mag inuman. So ayun sabay kami lumabas ni lovy dobs Sir Taller sa San Lo then we go to CC. He was asking me if I have eaten but I resist to his offer. Pero kinukulit parin nya ko na pakainin (o palamunin) ako sa Chowking,CC. Nang papasok kami eksaktong nakita namin si JM with a black shirt, wala syang pasok nun, he is taking nursing at FEU. So nagpaalam na ako sa aking lovi dobs at pumunta na sa destinasyon. I was a bit disappointed dahil again konti ang pumunta but it was ok. At ayun isang mini reunion ang nangyari. I saw Louie at the roof waiving. Di ko makita si Popzie sa sobrang dilim ng sky.LOL. Pagpasok ko binati ako ni Louie and John was also there (malamang that's his house). We went upstairs and ayun I saw Pasion and Hannah na parang di magkahiwalay, JayR nagsa-soundtrip habang tulog, si NeilMoleNeil na nagpapasarap sa CEU dahil ang daming chicks, and of course my man, Richard "Popzie" O. At ayun tawanan moments ulit just like when we were in High School. Asaran moments with the main target Neil Sayenga. After a while, nakarating nadin si Jerome wearing an FEU costume, i mean PE uniform. Session NAH! starts at 9pm. Late na nga eh. Dahil kaming dalawa lang ni JM ang di umiinom kaya nagnenenok kami ng pulutang Frenchies at Chicken Balls na napakasarap. Hahaha! Kaya para magkaroon ako ng karapatang kumuha ng masarap na chicken balls, shumat ako ng isang Gran Matador for the sake of a chicken ball! Hahaha! After that nauna na sila Pasion and Hannah to go home daw, at ang pumalit eh c Jekka na haling pang UST nakipaginuman din daw and then sinaluhan kami. The night went on. Everybody was in the roof lying. Kwentuhan about their school. Alam din ni Neil yung rally ng Bedista sa Mendiola. And time for bye bye dahil naubos na (o inubos ni Louie) yung tatlong GM. Nagkasya kami sa wheels ni Popzie, inggit nga ako eh. So ayun binaba kami sa St.James 711 at sumakay ng bus. At natulog na

I miss IV-St. Ignatius. Naalala ko yung mga tawanan sa classroom. Even na migrate lang ako sa section na ito, I feel that I belong here. Hehehe... Iba ang samahan. Naalala ko yung mga swimming, ung pagdive ni Jocel, pag ispeling ni JayR ng Neil na Niel. Yung mga time na inindyan tayo ni Teri at mamumrublema kung saan ililipat yung venue. Naalala ko yung mga kulitan moments. Yung pag walang teacher eh maririnig mo ang salitang "piktyur! piktyur!". Naalala ko din yung mga usapang lasing tungkol sa pagbabago. Naalala ko yung pinakamalupit na tawa ni Louie sa kasaysayan ng buhay ko. Naalala ko yung mga dadak ni Mrs. Nabong hanggang sa mga wrong spelled words at wrong grammars ni Sir Pablo. Naalala ko na din yung mga pinagawa sakin nung nalate nanaman ako. Naalala ko na palaging late si Popzie. Naalala ko yung backup vocals ng Sa iyo San Lorenzo Ruiz (www.lyrics.com/popzielyrics). Naalala ko din yung istudeeeeents ni Junko. Naalala ko yung bobong HRM ng CDSL HRM Dept nung Orientation Day. Hay kamiss talaga pero time to move on. College na nga, new environment, new friends, new classmates. Pero syempre wala paring limutan sa samahang Igneyshus!

PS. masyadong madrama, isipin nalang na nakakatawa

No comments: