Itanong mo sa Google

Wednesday, January 9, 2008

Its NO-Showtime (A typical Zion's blog)

Yes it is! Christmas break is over. No disco now. No barhopping, sleepover, puyatan, daldalan sa mga syotang parehas na Sun na umaabot ng alas-5 ng madaling araw, night shift internet at magpatugtog ng Jenny sa kwarto mo in a maximum volume sa tanghali dahil wala ang parents mo. At wala ng TV sa maghapon. Di mo muna makikita si Jose na mag kagat labi at ang walang kwentang host sa kabila na sumigaw hanggang maputukan ng litid.

Which is which?

TV Ratings, ito na ata ang pangalawa sa pambansang libangan ng mga Pilipino, una ang pulitika. Pero this time hindi na ito ang tipikal na labanan sa ratings. This time Live on Pay-Per View ABS-CBN vs. GMA 7 in a Symphaty Match with the special guest referee, ang AGB Nielsen Media Research. Dati patalbugan ng primetime block. Ngayon pagandahan ng advertisment sa kani kanilang stasyon na nilalaman lang ay "Hinahanap ang katototohanan". Kung naghahanap sila ng katotohanan, maraming nagbebenta sa Quiapo at Pier Dos (ang joke joke). May manipulang naganap? Parang eleksyon ah. At nagkakasuhan na. Una ABS CBN nagsampa ng kaso to AGB, after new year kinasuhan ng GMA ang ABSCBN. Ngayon kakasagap ko lang, dahil binasura ng korte ang reklamo ng ABS sa AGB its payback time. AGB naman ang magsasampa ng kaso. Na ngayon eh lumalabas ng Handicap match.

Pero sa palagy ko pakulo lang yan. Dahil nga siguro western mentality ng mga Pilipino eh gusto nilang gayahin ang US. Nagbilihan na ng franchise. Sa dos binili ang : Big Brother, Deal or No Deal, 1 vs 100 Dream Academy at Wheel of Fortune habang sa syete: Are You Smarter than a 5th Grader, Push your Luck at Idol franchise. Back to the topic, nag boycott ang mga TV writers which burst a big controversy. Nawala sa air sila Letterman, O'Brien at Leno sa air but not till now. Kaya naisip ng Pinoy na gayahin ang TV industry controversy sa US.

And yes sino ngayon ang kawawa? KITA NYO?

No comments: