Minsan nagsasawa din tayo sa mga pelikula ng kano. Minsan gusto mong panoorin ang alternative. Ang kaisa isang alternatibo sa mga Hollywood movies ay ang sariling ating Filipino Movies. Pero paano natin malalaman kung ang pinapanood mo ay isang certified 100% Pinoy Movie?
Love Story (Drama)
Malalaman mo kung Pinoy love story movie ang pinapanood mo kung mahahalata mo ang mga sumusunod.
1. Ang umpisa ng pelikula ay ang nakaraan o ang kabataan ng mga bida.
2. Ang isang bida ay mayaman at ang isang bida ay mahirap. Kadalasan ang babae ang mayaman.
3. Ang magulang ng bidang mayaman ay pilit na ilalayo sa bidang mahirap upang pakasalan ang gusto ng magulang na mayaman din.
4. Syempre may aakit din sa mahirap na bida at sa bandang huli ay tutulungan ang magulang ng mayamang bida ng nang aakit upang masigurado na matutuloy ang kasal
5. Hanep sa storyline. Kung ang napanood mong pelikula noon, siguradong mapapanood mo parin ang kahawig na istorya sa susunod na taon.
6. At kung mamamatay na ang isa sa mga bida, habang naghihingalo ay animo'y may isang buong papel na script at parang hinihintay lang na malagutan ng hininga at walang tumatawag na ambulansya.
7. Pag namatay na ang bida, saka sisigaw ang kapareha nitong bida ang pangalan ng namatay.
Action
Kung bakbakan ang hanap nyo, eto ang sagot ko. At kung gusto mo na malaman kung ano ang Pinoy style action, eto na yun.
1. Ang setup palagi ng storya ay sa mga lugar kung saan maraming astig. Ihalimbawa natin ang Tondo.
2. Ang kalimitang trabaho ng mga bida ay jeepney driver, pulis, baranggay tanod, private driver, secret agent ng NBI at tindero sa palengke.
3. Kung mapapansin mo palaging Carding ang pangalan ni Robin Padilla sa halos ng mga pelikula nya.
4. Palaging mababastos sa kanto ang leading lady ng bida saka ito susugod upang iligtas ang leading lady.
5. Kinagabihan ay ginagamot ng leading lady ang mga sugat ng bida.
6. Ang madalas main kontrabida ay ang mga malalaking sindikato.
7. Ang palaging shoot out ay sa bodega kung saan ang bida ay nag iisa at sa napakaraming kalaban nya ay di sya tinatamaan.
8. Palaging huli ang dating ng mga pulis.
Comedy
Kung sawa ka na kay Jim Carey, Ben Stiller, Adam Sandler etc., bakit di mo subukan sila Dolphy, Tito Vic and Joey, Andrew E, at sila Anjo Yllana at Dennis Padilla? Malalaman mo na Pinoy nga ang pinapanood mo kung
1. Ang setting, mahirap ang bida.
2. Ang opening nila ay ang mga kakengkoyan, kapalpakan at katangahan ng bida.
3.Kadalasang sexy star o beauty queen ang leading lady.
4. Kagalang galang ang leading lady.
5. May mayamang lalaki naman ang pilit na hahadlang sa relasyon ng bida at leading lady kaya kikidnapin nya ito.
6. Palaging may action scene sa bodega sa climax ng pelikula.
7. At ang all time favorite na huli nanaman rumesponde ang mga pulis.
Horror
Ikaw ba ay nahuhumaling sa kababalaghan? Subukan mo ang horror movie..Pinoy style.
1. Aswang ang sentro ng pelikula.
2. Kung di aswang ay mga kaluluwa ng mga namatay.
3. Madalas na sa mga tagong lugar sa probinsya ang setting
4. At may ungol ng aso at kailangang bilog ang buwan pag ang take ay tatakutin na ang bida.
5. Tanga ang bida (kung gusto mong malaman anong ibig sabihin ng nabanggit ko, manood ka!)
Fantasy/Sci Fi
Kala mo Hollywood lang ang meron nyan? Pinoy din kala mo. Paano mo malalaman? Eto
1. Pangit ang special effects YUN LANG. May i-ka countdown pa ba?
Kaya kung may panahon kang manood ng Pelikulang Pilipino, bakit di mo subukan? Malay natin isang araw mas ok na panoorin ang Pelikula natin sa kano, kaya support Local Music! este Movies din pala.
Itanong mo sa Google
Friday, March 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If ossible gives a last there on my blog, it is about the Aparelho de DVD, I hope you enjoy. The address is http://aparelho-dvd.blogspot.com. A hug.
Post a Comment