Habang naghihintay na uminit ang ispageting kakainin ko...Gusto kong malaman ng mga nagbabasang mga hangin na may konting kaibahan ang magiging blog na ito...Hehehe...
Mahirap magsulat. Ngayon ko lang nalaman. At lalo na kung ang isusulat mo dito ay ang mga saloobin mo sa buhay. Parang kanta ang buhay....Kumakampay pataas, pababa...Parang Lupang Hinirang, 1/4 ang step (ba yun)...Ngunit isa lang ang masasabi ko kung mailabas mo ang saloobin mo sa isang sining...Makikita mong may magandang kinabuti ang kinalabasan...Mayroon ka nang pakinabang. Hindi ko lang alam kung anong storya sa buhay ni Lito Camo sa ginawa nyang kanta na Boom Tarat Tarat...at ibinigay pa kay Willie.. Nandito na ang ispageti ko. Mahirap magsulat ng kanta...Pero masarap ang feeling pag may nagawa ka.May pakinabang ka na sa Pilipinas.
Mahirap ang may galit sayo. Pero mas mahirap kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit sya galit sayo. Naiisip mo sa sarili mo na ikaw ang masama kahit alam mong wala kang ginagawang masama. Masakit sa isang tao ang pagbuntungan sya ng galit kahit hindi naman nya alam kung ano ang dahilan. Nakakainis kasi nagmumukha kang tanga. At isa pang nakakainis eh may relasyon kayo, kaibigan, kaklase, kaopisina, o kahit ano basta't magkakilala kayo. Di man lang nila sabihin kung ano ang problema para maayos at hindi dinadaan sa isang malamig na "Cold War". Hanggang ngayon di ko parin maisip kung ano ang kasalanan ko. Nagmumukha na akong tanga. Nagiging masamang tao na ako. Na hindi ko maisip na ako pala yun.
Mahirap ang hindi grumaduate. Malamang siguradong yari tayo sa mga magulang natin. Sana nga ay lahal ay makagraduate sa batch namin. Mahirap na lalo kung saan ka susulok sa daang daang kolehiyo sa bansa. Kung bumagsak ka sa bigating institusyon, feeling ko tapos na ang lahat.
Mahirap magmahal. Nakakapanghina. Mas masakit pa ay may nagsabi na mayroon na syang iba. Na akala mo na matagal na siyang libre. Nakakabad trip? Oo, kasi sinasabi ng utak mo na totoo ang sabi nya ngunit pinagpipilitan ng puso mo na hindi totoo. Mahirap talaga magmahal, dahil di mo masabi kung ayaw nya sayo, di ka nya mahal o hanggang kaibigan lang talaga. Minsan dadaan ka pero di ka makadaan daan dahil nadun yung mahal mo. Kaya hinihintay mo pa syang umalis para makadaan. Nakakagago. Ang dami kong palusot para di muna dumaan Waaahh!!! Ang tagal nya!!! Nagmumukha na kong poste...Mahirap magmahal kasi unexpected. Di mo alam ang mga pangyayari na pwedeng maganap. Maaari kang matuwa pero maari ka ring masaktan. Isang kataga ang hindi ko kayang gawan Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Hindi ko magawa lalo na kung may nagsabi sayong bakit sya? marami pa dyang iba, masasaktan ka lang.
Itanong mo sa Google
Tuesday, March 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment