Itanong mo sa Google

Tuesday, January 20, 2009

Eraserheads: The Final Set

Tapos manonood ako ng Eraserheads concert kahit di sa The Fort, basta maingay at nandun si Markus diba.
Tapos, hindi ako magdadrugs, kasi di naman ako nagdadrugs diba?
Tapos susuutin ko yung Eraserheads T-Shirt ko kasi wala akong tatoo.
Tapos yung chucks kong kupas, kukupasin ko pa.
Tapos maghihidbang ako
At syempre magbebreak out ako sa back stage para, para makita ko si...Ely! sana wala dun si Ney..Ay hinde
Aakyat nalang ako sa 2nd floor sa MOA tas dun ako tatalon
Syempre walang sasalo sakin kaya wag nalang
Tapos magsising along ako tas magwawala sa gitna ng crowd para may maikwento ako kay lola!
Syet sumalangit na pala yung dalawa kong lola, Hi lola!
Tapos pag pagod na ko mag sing along
Mag sisi sing along ako kahit di na kumakanta si Ely
Tas syempre, peace lang tol diba?!
Para lahat tayo di mapraning! mapraning! mapraning!
Tapos, pagtapos na yung concert, tambay muna sa MOA tas syempre uwi na ko
Tas pag nakauwi na ko, manonood ako nga Bandila Channel TUU
Wow, dami pala ng tao pare.
Tatlong oras na puro noise!

No comments: