Itanong mo sa Google

Tuesday, December 11, 2007

Usapan ng mga walang kakwenta kwntang tao...

Sayang, I missed Marimar. Nag shop lang kasi ako eh kasi wala pang net sa bahay. Naibenta ko na di yung PS2 ko para makabili na ng PSP. Kasi sa Pinas ngayon, everybody has its own PSP, sa mall, sa LRT, sa MRT, sa Bus, kahit mga chimps may mga PSP habang hinihintay nila ang mga alaga nilang nag aaral sa La Salle Zobel, Ateneo High School, Brent at San Lorenzo :P. At pati yata ang mga monghe sa Abbey ay may kanikanilang PSP.

I saw from the newspaper yung tungkol sa may pinakamahabang title sa pangalan na si Senator First Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes na sya ang magbabayad ng mga damages ng Manila Pen. Then I thought di kaya kung mas tipid kung palitan nalang ito ng The Peninsula Manila to The Pininsala Manila. Atleast maniniwala ang tao dahil mukhang guera ang loob ng lobby ng Manila Pen. At dapat yung ipinagsiksikang ipasok na APC ay di na tinanggal for design. I was laughing out loud to NCRPO Chief Gearry Barias dahil sa nangyari last November 29. He was pushing himself inside the Manila Pen pero pinaalis lang din ng mga Magdalo soldiers na mas mababang ranggo sa kanya. He was so ashamed on that moment kasi pinalakpakan pa ang mga rebelde nang lumabas sya.

Jollibee's Chickenjoy has its new endorser. This time ibabalik ulit ang sumikat na "Isa pa Isa pa, Isa pang chickenjoy" phrase pero hindi na si Aga Mulach at ang mga chikiting nyang kasama kundi ang ating pinakamamahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

At kahit na mababa ang ratings ni Gloria. Pilit parin nyang ipasok ang pinakabagong reality show na pilit itapat kay Marimar at Kokey. Live na live nating makikita ang mga kilos at galaw ng mga kontestant dito at ang sarili nyang show ay kasama nya. Live na live from Malacanang ang Pinoy Big Briber. Dito, ang mga kontestant ay ang mga kongresista nating mga palamunin ng Big Sister na si Ate Glo. Special guest din sa palabas na ito ang mga gabinete at si Manny Pacquiao.

Friday, September 28, 2007

COLLEGE/UNIVERSITY JOKES!!

peace po tayo...joke only...

Favorite Snacks ng Students:

LaSalle: Lay's
Ateneo: Cheetos
SanBeda: Pringles
Letran: Spudz
JRU:Boy Bawang

***

Favorite Chocolate:

LaSalle: Ferrero Rocher
Ateneo: Macadamia Nuts
SanBeda: Cadbury
Letran: Hersheys
JRU: HANY(choknat)

***

Favorite vehicle brands

LaSalle: Porsche
Ateneo: Jaguar
SanBeda: Mercedes Benz
Letran: BMW
JRU: SARAO

***

Mirienda ng students:

LaSalle: double cheese burger
Ateneo: double hotdog in a bun
SanBeda: double cheesedog
Letran: double burger
JRU: DOUBLE MINT

***

college students daring to eat street foods:

LaSalle: eeew!dirty
Ateneo: yuck! what are those?!
SanBeda: kadiri! if u want cheap foods sa jollibee n lang tayo
Letran: wag jan mga pre... dami nakukuha mga sakit
JRU: WAG YAN!! MAHAL YAN!!!

***

Naiicp niu ba kung anu mga sinasabi ng taga JRU pag nagdadasal?

LaSalle: st. john baptist de la salle, pray for us....
Ateneo: st. ignatius, pray for us
San Sebastian: st.sebastian, pray for us
San Beda: st.benedict, st bede, pray for us/that in all things god may be glorified
JRU: our holy father national hero jose rizal?!?!?!

***

Sponsored towels per team...

LaSalle: Nike
Ateneo: Adidas
SanBeda: And1
Letran: Accel
CSB: K-swiss
PCU: SM BASICS
JRU: GOODMORNING TOWELS!(popularized by jeepney drivers)

***

Favorite legends of all time:

LaSalle: Michael Jordan
Ateneo: Magic Johnson
SanBeda: Larry Bird
Letran: Kareem Abdul Jabar
PCU: Jaworski
JRU: Dr.J..................Andy JAO!!

***

Fave Noon Time Show:

LaSalle: LBO(lunch box office)
SanBeda: eat bulaga
Letran: wowowee
PCU:CHOW TIME!!
JRU: ROSA ROSAL PRESENTS!! ahhaH!H

***

Favorite Men's Journal of students

LaSalle: PlayBoy
Ateneo: Penthouse
SanBeda: UNO
Letran: Vogue
JRU: BALITANG TORO(sold under LRT stations)

***

Favorite partysounds artists:

LaSalle: Bonnie Bailey
Ateneo: Benny Bennassi
SanBeda: Daft Punk
Letran: Dj Tiesto
JRU: APRIL BOY REGINO!

***

Favorite Restaurant ng students:

LaSalle: Fridays
Ateneo: Figgaro
SanBeda: Aristocrat
Letran: Tokyo Tokyo
JRU: Sakan......
sakanto may pishbolan

***

TV NG MGA STUDENTS:

LaSalle: Samsung
Ateneo: Sony
SanBeda: Phillips
Letran: Toshiba
JRU: AIWA..........LA CLANG TV

***

Favorite TV Channel:

LaSalle: HBO
Ateneo: Star Movies
SanBeda: AXN
Letran: Jack TV
JRU: DZMM!!

***

School Battle Cry:
LaSalle: Animo LaSalle!!
Ateneo: One Big Fight!!
SanBeda: Animo San Beda/Go san beda fight!!
Letran: Arriba Letran!!
Mapua: Viva Carde!!
SanSebastian: Bravo Baste!!
JRU: HOPIA MANI POPCORN!!!

***

Beda - to become a good lawyer
Letran - to become good in I.T.
Mapua - to become a good engineer
PCU - manalo sa WOWOWEE!!

***

After class:
CSB - tambay, punta sa kotse
Letran - punta mall, coffee break
Beda - tambay, review notes
Mapua - punta walls, pa cute cute
PCU - uwi agad, laba-laba

***

Pag may kaaway:
CSB- Aikido
Beda- Judo
Letran- akokwondo
JRU- Boxing
PCU- Sayunachi...Sayonachi...Sayonachinelas ko...TAKBO!

***

Where To Go To College?

If you have some brains and lots money, go to Ateneo.
If you have no brains and lots of money, go to La Salle
If you have no money,and no brains go to PCU.

***

Sa isang bar:

Letran: Waiter, a glass Dom Perignon, please.
Beda: Johnny Walker Blue Label, on the rocks.
Mapua: Smirnoff. Shaken, not stirred.
Benilde: I'll have some Bacardi, will you please hurry up?
JRU: Teka, teka. Isa-isa lang ho ang order.

***

Situation: nanakawan ng cellphone

MAPUA: K lang yan, bibilan uli ako ng mom ko pag nakita nya grades ko this sem.
Beda: Pare ano magandang phone ngayon?
CSB: Gosh, I think it's my phone I saw at Rob Place!
Letran: Kainis! Na-snatch phone ko sa walls!
PCU: Tang-ina brick game ko???

***

favorite watches ng mga universities:

Ateneo: rolex
La Salle: tag heuer
Mapua: Swatch
San Beda: Seiko kinetic
PCU: rpn 9

***
Letran, San Beda, together with the blue and the green in the other league, belonged to the old ALL BOYS schools of the past. It was only of recent history that these 4 institutions took in female students.

A Letranite of the old school visited the Muralla campus and saw the beautiful, tall, charming, and star-like qualities of the female students. His jaw dropped and exclaimed: Kung mayroon akong classmates na ganito during my time, na control ko sana yung urges ko for the female sex at hindi ako nagging MANIAKIS!

Likewise, a Bedan of the old school visited the Mendiola campus and saw the beautiful, tall, charming, and star-like qualities of the female students. His jaw dropped and exclaimed: Kung mayroon akong classmates na ganito during my time, na develop sana yung urges ko for the female sex at hindi ako nagging BADING!

***

Professor: The Earth’s biosphere includes the...

Bedan : LITOSPHERE!
LETRAN : HYDROSPHERE
MAPUA : ATMOSPHERE
PCU : BRITNEY SPEARS

***

Letranista: Knock Knock!
Bedista: Who's there?
Letranista: Letranite!
Bedista: Patawad!

***

Top 10 schools sa pinas

U.P - University of the Poor
ADMU - Ayaw Daw Mag UP
DLSU - Di Lusot Sa UP
MAPUA- Meron Akong Pangarap UP Ako
SLU ( baguio)- Sana Lang UP
ST.PAUL- Sana Talaga Pasado Ako UP Lord!
PLM - Pamantasan Sa Likod ng MAPUA
FEU- Failed to Enter UP
CEU - Cannot Enter UP

***

Reaction to a lizard
after seeing a lizard:

Mapua: Uy, Piticus lizardus!
JRU: Ay, butiki!
Beda: Eek, lizard!
CSB: Hey, La Coste!

***

Birthday Party

Suppose a student form Letran had a birthday party. He decided to invite the following people:

- His best friend
- a humble Atenean
- an intelligent La Sallite
- a law student from san beda who graduated on time
- a clown
- Darna mascot

Suddenly, the lights go out and when it goes on again, your cake is gone. The million-dollar question is:

Who took your cake?

Answer:

Your best friend. All the other guests are merely figments of your imagination.

***

Suicidal Sandwich

There were three friends: a student from Jru, Beda, and La Salle(so you know this story is fictional). Anyway, everyday, they met for lunch and ate their sandwiches.

JRU: Putek!!! Peanut-butter sandwich na naman? Sawang-sawa na ako dito ah. Pag bukas, peanut butter sandwich na naman ang baon ko, magpapatiwakal na ako.

Beda: Darn!!! Roast beef sandwich again? I'm sick of this already. If I get another roast beef sandwich again tomorrow, I'm gonna shoot myself.

La Salle: Oh my gosh, grabe!!! Ham sandwich is my baon again. I'm so sawa with this sandwich na, ha? If my baon tomorrow is ham sandwich again, I'm gonna drive my CRV over the cliff.

The next morning, they again met for lunch, and, alas, they had the same sandwiches again.

The Jru student went back to his dorm, pulled out a belt, and choked himself to death.

The Bedan went home, got a gun, and shot himself in the head.

The La Sallite drove his CRV off a cliff.

During their funeral, their mothers were interviewed:

JRU: Kung sinabi niya lang sa akin na ayaw niya na nang peanut butter sandwich, eh di sana hindi na yun yung pinabaon ko sa kanya.

Beda: If he had told me that he didn't want roast beef anymore, I wouldn't have given him roast beef.

La Salle: Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakamatay, eh siya naman yung gumagawa ng sarili niyang sandwich.

***

A TYPICAL CONVERSATION
La Sallites meet on the street and carry on a typical La Sallite
conversation:
La Sallite #1: If you can tell me how many chickens I have in this bag,
I will give you both of them.
La Sallite #2: Uh, two?
La Sallite #1: Daya mo! You peeked!

***

QUESTION AND ANSWER
Q: What should an Bedan do when a La Sallite hurls a grenade at him?
A: The Bedan should pick up the grenade, pull the firing pin, and hurl
it back at the La Sallite.

***

ulitin ko po...dyok unleh!

Friday, September 7, 2007

Now this is embarrasing..

Yes! sa wakas! hindi na ako late! Pagkatapos kong gumising ng maaga..Ayun nakarating ako sa Beda ng tamang tama! At ayun nasaan ang ID ko? Anak ng shokoy yan! Nawawala ang ID ko. Kung kelan pa! KUNG KELAN PA AKO NAKAPASOK NG MAAGA! At ganun na nga di ako nakakuha ng quiz sa Eco. Buti nalang wala si Prof. Nak kaya walang History. At pagkatapos eh kumuha ako ng Affidavit of Lost sa Recto kaya bayad pa ko ng 50 pesos. Ayun punta sa OPSA pagawa nga panibagong ID worth 350!!!! Now thats embarrasing...

Sunday, August 12, 2007

Hi! Babay!

Hello! Wala akong magawa kaya nagbolg nalang ako para sa mga abo at hanging sumusubaybay sa mga pinagkakakalat ko sa blog na ito.

Kumain ka na ba ng Ice Cream? Ano nga ba ang big deal sa tanong ko? Kasi nagtataka lang ako kung bakit may mura at mahal na ice cream? May Ice Cream na five pesos, ten pesos, twenty five pesos, fifty pesos, one hundred pesos, two hundred pesos etc. Eh kung iisa lang naman silang lahat eh bakit mas mahal ang iba? Dahil ba sa mas masarap ang ice cream ng IceBerg, Dairy Queen at Five Cows kaysa kay Mang Pedro? Dahil ba masarap kumain ng tatak?

Nakainom ka na ba ng kape? Ano nga ba ang big deal sa tanong ko? Kasi nagtataka lang ako sa mga tao eh sabik na sabik pumunta sa mga elite coffee shops kung pwede namang magtimpla sa bahay? Ano ba ang pinagkaiba ng kape nung babaeng tatak sa kape nila Piolo Pascual at Angel "Ms. walang utang na loob" Locsin? At sa kape narin ng Parokya ni Edgar at ang kolehiyong bumabaliktad baliktad.

^ ano ba yang mga naisip ko bwishet...

ibang topic naman ang pagsasayangan ko ng oras...uhhh...NCAA nalang...
Yan dahil nangunguna na ang San Beda Red Lions sa standings, sila na kaya ang magcha-champion ulit? Dahil malamang na gustong agawin ng mga Letranista ang titulo ng Senior Basketball. Sa palagay ko ang Final 4 eh... San Beda, Letran, Mapua at JRU. Pero ang gusto ko talagang mangyari eh San Beda, Letran, Mapua, CSB, kaso bumenta si Orbeta. Sayang ang Jail Blazers. hmmm....ano pa ba ang pwedeng itype? sa UAAP, siguradong UE na champion...Red din kasi eh..hehehe...Kaya palagay ko eh hari ang pula ngayon. Hindi Green hindi Blue..Its RED.

*pucha waak....ano ba yan walang kwenta mga pinagtatayp ko... Joke nalang kaya tayo...

Namiss nyo ba ang COW Jokes? Yung mga cow jokes na San madaming cow...edi sa maCOW? Naalala mo na?

Anong Cow ang madumi?
-edi COWdiri

Anong COW ang sapot?
-edi COWndom

Saan nakatira ang mga COW?
-sa COWndominium

Anong COW si Gian Delgado?
-edi baCOWt

Ano ang paboritong news show ng mga COW
-edi Bente COWatro Oras

Sinong COW ang naging presidente ng Pilipinas?
-edi si Elpidio COWrino

Sino pa?
-si Ferdinand MarCOWs

Saka si...
-COWry Aquino

Eh sino naman ang bishop?
-edi si Bishop BAKAni

Eh ano nalang ang number one na COW?
-walang iba kung di San Beda COWllege...

Eh anong tawag sa mga joke na ginawa ko?
-edi COWrny

babay!


Sunday, July 15, 2007

OPLAN: Inuman nanaman

Igneyshus again. Bad trip ako nung araw na yun kasi una ang sakit ng ulo ko at pangalawa di ko naabutan si Sir Tayam para batiin ng Happy Birthday at ayun di ko rin nakita yung mga dati ko pang kaklase since hindi nakapunta lahat ng mga kosa. So I was there at 7:30pm July 13, 2007, nobody was there except my lovy dobs Sir Taller, Sir Sombrito and Sir Magbuhos. Then Sir Pablo came too. Wala na nga din ung uncle ko eh. But anyway I texted JM para hatid ako sa house ni John since hindi nanaman nagkatotoo ang wish namin ni Popzie na sa Gerry's Grill Trinoma sana mag inuman. So ayun sabay kami lumabas ni lovy dobs Sir Taller sa San Lo then we go to CC. He was asking me if I have eaten but I resist to his offer. Pero kinukulit parin nya ko na pakainin (o palamunin) ako sa Chowking,CC. Nang papasok kami eksaktong nakita namin si JM with a black shirt, wala syang pasok nun, he is taking nursing at FEU. So nagpaalam na ako sa aking lovi dobs at pumunta na sa destinasyon. I was a bit disappointed dahil again konti ang pumunta but it was ok. At ayun isang mini reunion ang nangyari. I saw Louie at the roof waiving. Di ko makita si Popzie sa sobrang dilim ng sky.LOL. Pagpasok ko binati ako ni Louie and John was also there (malamang that's his house). We went upstairs and ayun I saw Pasion and Hannah na parang di magkahiwalay, JayR nagsa-soundtrip habang tulog, si NeilMoleNeil na nagpapasarap sa CEU dahil ang daming chicks, and of course my man, Richard "Popzie" O. At ayun tawanan moments ulit just like when we were in High School. Asaran moments with the main target Neil Sayenga. After a while, nakarating nadin si Jerome wearing an FEU costume, i mean PE uniform. Session NAH! starts at 9pm. Late na nga eh. Dahil kaming dalawa lang ni JM ang di umiinom kaya nagnenenok kami ng pulutang Frenchies at Chicken Balls na napakasarap. Hahaha! Kaya para magkaroon ako ng karapatang kumuha ng masarap na chicken balls, shumat ako ng isang Gran Matador for the sake of a chicken ball! Hahaha! After that nauna na sila Pasion and Hannah to go home daw, at ang pumalit eh c Jekka na haling pang UST nakipaginuman din daw and then sinaluhan kami. The night went on. Everybody was in the roof lying. Kwentuhan about their school. Alam din ni Neil yung rally ng Bedista sa Mendiola. And time for bye bye dahil naubos na (o inubos ni Louie) yung tatlong GM. Nagkasya kami sa wheels ni Popzie, inggit nga ako eh. So ayun binaba kami sa St.James 711 at sumakay ng bus. At natulog na

I miss IV-St. Ignatius. Naalala ko yung mga tawanan sa classroom. Even na migrate lang ako sa section na ito, I feel that I belong here. Hehehe... Iba ang samahan. Naalala ko yung mga swimming, ung pagdive ni Jocel, pag ispeling ni JayR ng Neil na Niel. Yung mga time na inindyan tayo ni Teri at mamumrublema kung saan ililipat yung venue. Naalala ko yung mga kulitan moments. Yung pag walang teacher eh maririnig mo ang salitang "piktyur! piktyur!". Naalala ko din yung mga usapang lasing tungkol sa pagbabago. Naalala ko yung pinakamalupit na tawa ni Louie sa kasaysayan ng buhay ko. Naalala ko yung mga dadak ni Mrs. Nabong hanggang sa mga wrong spelled words at wrong grammars ni Sir Pablo. Naalala ko na din yung mga pinagawa sakin nung nalate nanaman ako. Naalala ko na palaging late si Popzie. Naalala ko yung backup vocals ng Sa iyo San Lorenzo Ruiz (www.lyrics.com/popzielyrics). Naalala ko din yung istudeeeeents ni Junko. Naalala ko yung bobong HRM ng CDSL HRM Dept nung Orientation Day. Hay kamiss talaga pero time to move on. College na nga, new environment, new friends, new classmates. Pero syempre wala paring limutan sa samahang Igneyshus!

PS. masyadong madrama, isipin nalang na nakakatawa

Saturday, July 7, 2007

The Most Undesirable Flu: The Wrongtiming Flu

Paggagshig kgo sa umaga pawang mahuhulog nago sa kinadadayuan kgo *sniff* . Grabe dalaga... Nagagainis gasi wrog tibing ung lagdat kgo *sniff* *sniff*. Hayyzz... Dabat dalaga babasog ago eh... Pucha namad gasi dudg Hwebes..Ang sagit ng ilog ko...Pada bang sinusuntog ni haberhed *sniff* May lagad baba naban nung Friday night with Miggo, Garlo, Logmad, Hido ad yung iba bang dumama *sniff* Nabalidaan kgo ga na sobrang saya eh. Gaya ago daiidis dalang dahil daggaroon ago nag lagdat. *sniff* Nabalidaan kgo din habag wala ago dug Friday, naggasagutad daw sila Hido at Haberhed. Di nago magdadaka gung maduntok dalang yag mga yag gasi paggayabag yabag *sniff* *sniff* Gala mo gasi hadi nag klasdum! Hoy gung alab nyo lag hadi nga gayo...Hadi nag mga isda! Bwahahaha!*sniff* Hayzz.. Sada bagbago dila abang baaga ba... Nagdadaka lag ago gung pado nagapasa si Shogoy sa San Pweda? Eh ni Hail Mady di nya alab? O nagbababansid lang? Oi nababansid ga nabin bastos ka BASTOS!!!!*sniff* Haay..Taba na ga yang maga yad. Baga babaya eh mabinad ba kgo.

Balida kgo did sha bedista.com da inuurog da ni dectod ag uniborm bolicy! Gung dodoo ga ido ay mabuhay ag buong Bedan Cobbunidy!

*sniff* **singhot**

Saga na buda ad da uulidin gung baayos na yung gompyuter kgo. May dipod did yada!

*hachuuu*

Saturday, June 30, 2007

Talking Politics on what's happening to San Beda College

This is not The Bedan neither The Policymaker nor The Bedan Lamp. Its just me and my opinion about what's happening to my new home San Beda College.

I cant help myself but to hate the admin about the uniform policy they implemented. I hate their dirty tricks just to implement the stupid policy. I just dont get it. And the design. Yellow? What the heck! Is the RED the new yellow? Base of what Ive heard and read, the said policy wasnt undergo to a proper due process. It sucks! I also heard that the current rector and dean of the CAS department had a very stupid record. The current dean, when he was the prefect of the Student Affairs, had this idea to have San Beda College having a uniform. And the new rector has a very bad record when he was appointed as HighSchool Principal of SBC-High. And now its getting worse when he said that the Magna Carta is void! What a silly priest. (Are you are priest in your attitude by the way?)

A very crucial and dark days of the College has been arrived. They will going to destroy the Bedan tradition! What the current admin has been showing is a sign of Dictatorship! And dictators always lost! Look at what happened to Hitler, Mussolini, Batista of Cuba and Marcos, they are all losers! And I think the next in line is YOU, Father Rector, so you better watch out for the angry LIONS!

Animo!

I have a Multiply Account!!!

Ayun! Sa wakas I have a old "new" account (its all because of Carlo naayos ang Multiply ko, thanks dude). Anyway my old post from my old blogger account ay naimport na dito! Galing nga eh! Hindi ko na kailangan na ibigay ang link ng old kung pwede pala i-import sa Multiply ito! Amaziong talaga! Pwede ka pang mag upload ng music, maglagay ng more than 100 photos, videos and blog! Sabi ko nga kay Carlo na para akong gumamit ng phone na 3210 na naging N70 (Friendster=3210!! LOL).

I still have my Friendster account since most of my old buddies are using this low fashioned site! HAHAHA!!! You can add me there here is the link

http://www.friendster.com/walrusgumboot

Friday, April 20, 2007

See You Soon

Tapos na nga ang high school life... Siguradong mamimiss ang isa't isa. Ngunit isa lang ang napatunayan ko. Malungkot man ang paghihiwalay, siguradong sa muli nyong pagkikita ay di lang basta ligaya kundi tuwa ang mararamdaman. Hindi man High School. Maari din ito mangyari sa pagkabata mo...ung mga 7 to 8 yrs old. Nakakatuwa isipin kasi naman mayroon akong childhood friend na bigla akong inadd sa YM! Hindi agad ako nagtanong sa sarili ko kung sino to... Kilala ko talaga to! Kaya syempre inadd ko. Kamustahan at nakipagchat sa kanya. Parehas kaming tuwang tuwa sa isa't isa (na sya man ay natuwa). Inisip ko yung mga taong naging parte naman ng hayskul ko. Paano kung di kami magkita ng mahigit 8 taon at magkita nalang kami bigla. Isang nakakaaliw at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao ang makita muli ang taong naging parte ng buhay mo. Nung bata ka man o matanda na. Habang dina-download ko ang Graduation Song (Go The Distance ni Michael Bolton) at nakikinig (dahil nakabukas lang ang TV at walang nanonood) ng Jumong (dahil hinihintay ko ang Bubble Gang), nakapag-flashfront ako (kung may flashback.. may flashfront dapat [wag gayahin ang joke]). Ano kaya ang itsura ng mga taong nagsawa ako sa mga pagmumukha nila makalipas ang halos isang dekada? Yung mga naklasundo ko sa klase (hindi yung mga PLASTIK! tama narinig nyo...PLASTIK...[ignatius alam nyo sana kung sino sila at kayo]) . Dito magkakaalaman kung sino ang talagang may paninindigan sa WALANG IWANAN. Well malalaman ang susunod na kabanata pagkatapos ng mga maraming pangyayaring magaganap. Makalipas ang pagbuwag ng Wowowee, pagalis ng mga Arroyo sa Malacanang na sa halos isang dekadang nagpahirap ng bayan, uupo ang bagong pangulo (SUPPORT CHIZ ESCUDERO FOR PRESIDENT, 2010 ELECTION), Pagkamatay ng mga artista at pulitiko, Pagkabuhay ng bagong artista at pulitiko, Pagkakaroon ng TV Show na pinangungunahan ni Jose Manalo, Pagkatanggal ni Willie sa Dos, Paglipat ni Dolphy sa Syete, Pagtakbo ni Binoe sa Senado, Pagkasikat ni Gregorio Kalachuchi( sino sya?) at ang paglaya ni Erap.

See you soon TRUE friends.

Friday, April 6, 2007

Ang Pagsusulat Sa Kalagitnaan ng Biyernes Santo at Sabado de Gloria

Di ako makapaniwala sa pinanood ko kahit ikalawang beses ko ng punanood yun. Nakakasira ng ulo... Maari bang mangyari sa buhay ng isang tao ang makipagkilala sa isang taong matagl ng nag eexist?? Wow pang Holy Week nga ang tema...Nakakakilabot...Marami kasi nagsasabi na patay daw ang Diyos sa mga ganitong araw kayat maraming mga kababalaghan ang mga nangyayari...Naalala ko kasi nung bata ako...Wag na wag daw akong masusugatan kasi hindi hihilom...patay nga daw ang Diyos...pero ngayon ko lang naisip na hindi talaga totoo yung kasabihan na yun...Kasi yung mga lalaking hinahampas ang likod tuwing mahal na araw at ang mga nagpapapako sa krus...Sila sila parin...Ibig kong sabihin gumaling yung sugat nila at sa susunod ulit na taon sasali sila....Hmmm....Baka sabihin nila...Praise the Lord ah...Kasi yung daw mga iba umiinom ng alak pagkatapos daw ng penitensya nila...Gamot nga sabi nila...Mas mabisang gamot sa betadine at Clusivol. Stop muna ako....Next time nalang muna...

Tuesday, March 20, 2007

The Comeback

Habang naghihintay na uminit ang ispageting kakainin ko...Gusto kong malaman ng mga nagbabasang mga hangin na may konting kaibahan ang magiging blog na ito...Hehehe...


Mahirap magsulat. Ngayon ko lang nalaman. At lalo na kung ang isusulat mo dito ay ang mga saloobin mo sa buhay. Parang kanta ang buhay....Kumakampay pataas, pababa...Parang Lupang Hinirang, 1/4 ang step (ba yun)...Ngunit isa lang ang masasabi ko kung mailabas mo ang saloobin mo sa isang sining...Makikita mong may magandang kinabuti ang kinalabasan...Mayroon ka nang pakinabang. Hindi ko lang alam kung anong storya sa buhay ni Lito Camo sa ginawa nyang kanta na Boom Tarat Tarat...at ibinigay pa kay Willie.. Nandito na ang ispageti ko. Mahirap magsulat ng kanta...Pero masarap ang feeling pag may nagawa ka.May pakinabang ka na sa Pilipinas.


Mahirap ang may galit sayo. Pero mas mahirap kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit sya galit sayo. Naiisip mo sa sarili mo na ikaw ang masama kahit alam mong wala kang ginagawang masama. Masakit sa isang tao ang pagbuntungan sya ng galit kahit hindi naman nya alam kung ano ang dahilan. Nakakainis kasi nagmumukha kang tanga. At isa pang nakakainis eh may relasyon kayo, kaibigan, kaklase, kaopisina, o kahit ano basta't magkakilala kayo. Di man lang nila sabihin kung ano ang problema para maayos at hindi dinadaan sa isang malamig na "Cold War". Hanggang ngayon di ko parin maisip kung ano ang kasalanan ko. Nagmumukha na akong tanga. Nagiging masamang tao na ako. Na hindi ko maisip na ako pala yun.


Mahirap ang hindi grumaduate. Malamang siguradong yari tayo sa mga magulang natin. Sana nga ay lahal ay makagraduate sa batch namin. Mahirap na lalo kung saan ka susulok sa daang daang kolehiyo sa bansa. Kung bumagsak ka sa bigating institusyon, feeling ko tapos na ang lahat.

Mahirap magmahal. Nakakapanghina. Mas masakit pa ay may nagsabi na mayroon na syang iba. Na akala mo na matagal na siyang libre. Nakakabad trip? Oo, kasi sinasabi ng utak mo na totoo ang sabi nya ngunit pinagpipilitan ng puso mo na hindi totoo. Mahirap talaga magmahal, dahil di mo masabi kung ayaw nya sayo, di ka nya mahal o hanggang kaibigan lang talaga. Minsan dadaan ka pero di ka makadaan daan dahil nadun yung mahal mo. Kaya hinihintay mo pa syang umalis para makadaan. Nakakagago. Ang dami kong palusot para di muna dumaan Waaahh!!! Ang tagal nya!!! Nagmumukha na kong poste...Mahirap magmahal kasi unexpected. Di mo alam ang mga pangyayari na pwedeng maganap. Maaari kang matuwa pero maari ka ring masaktan. Isang kataga ang hindi ko kayang gawan Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Hindi ko magawa lalo na kung may nagsabi sayong bakit sya? marami pa dyang iba, masasaktan ka lang.

Thursday, February 15, 2007

Eraserheads Backmasking Controversy

Mga kakila-kilabot na mga mensahe pagbinaliktad...Ito pa ang nadiskubre ko sa isa sa mga kinahuhumalingan kong banda ang Eraserheads. Sila ang namayagpag ng 90's. Talaga namang makamasa ang dating ng Eheads kaya sila sumikat...Pero ang mga kanta nga ba nila ay may halong demonyo?


Sinubukan ko ito at ito ang lumabas...
(Pawang katotohanan lang po...Sana ay wag po nyo akong sabihan na anti Kristo dahil naniniwala parin ako sa kanya)

Pare Ko
forwards: "Pinaasa nya lang ako, Lecheng pagibig to, Diyos ko, Ano ba naman ito"
backwards: "Kristo, buwisit na leche ka, Ang pangalan nya'y nakakasuka"

Overdrive
F: "Gusto kong matutong magdrive"
B: "Puta Mo, Hesus"

Bogchi Hokbu
F: "Bogchi....Hokbu"
B: " Kulto....Kristo"

....at ito yung mga nadiskubre ko
Wishing Wells
F: "I place called wishing wells"
B: "I wish I was in heaven

Hard To Believe
F: "Its so hard to believe"
B: "He lived in his own mercy" or " He has no mercy"


Tinaong ko ito sa Eraserheads maling list at natangap ko ang Email ni Mr.Robin Rivera, ang dating producer (o manager) ng Eraserheads at ito ang nilalaman ng sulat nya:

In my mind, backmasking and the controversy surrounding it is hovers around twoconcepts, 1) masked or subliminal persuasion, and 2) backwards talking.The first concept is subliminal persuasion. This was one of the conceptsforwarded byVance Packard in his book "Hidden Persuaders", which was first published in1957. Onepoint being made is that there are forms of communication that are used topersuade usby stimulating our subconscious, and therefore we are not aware of how we arebeingmanipulated (hence it is "masked"). In one so called "experiment" that supportedsubliminal persuasion, singleframes with adverstising messages like "buy Coke" were inserted in a filmshowing.Because motion picture film runs at 24 frames per second, the viewers were notconsciousof the message. The experiment prematurely concluded that the message waseffectivebecause a number of audience members went out to buy that product from the storeasthe film was being shown. But many variables were not considered, so theexperimentcame under heavy criticism. When I was in college (U.P. College of MassCommunication)in the late 1970's this particular concept had already lost steam and themethodology ofthe experiment came under fire because it could not be reliably replicated. Iactually did alibrary search about a couple of decades later when the EHeads were accused ofbackmasking, and by then the concept was merely mentioned in most books asobsoleteand discredited.The second concept revolves around popular beliefs about demonic persuasion andexorcism. The assumption is that the devil communicates on levels that, likesubliminalpersuasion, are not detected by our conscious minds. That includes things liketalkingbackwards (hence the "back" in backmasked). But these beliefs are so medieval,and haveroots in the dark ages of theChristian Church, much like The Inquisition, which I consider the height of theChurch'sparanoia and political repression. Besides, talking in "strange" ways (as inbackward) is notonly attributed to satan and his worshippers, but by early Christians as well(as in"speaking in tongues"), so this kind of phenomenon is not unique to satan. Irememberviewing a documentary produced by the Campus Crusade for Christ in the late 80'sthatdemonstrated several alleged blasphemous backmasking messages drawn from musicofthe Beatles, and a number of subsequent hard rock bands. The docu then goes onto try toconvince CCC members to only listen to "Christian" bands who have links to theorganization, and fall under the genre called "Christian Contemporary Rock".From time totime, other religious groups have done the same with local secular bands such astheEraserheads. In my response to this, I usually dare these people/groups to takethe musicof so called "Christian" musicians and bands and do the same thing. I canguarantee thatsimilar "messages" will be found. But its no use arguing with people who insiston hearingwhat they want to hear even if its not there. For all we know, this whole thingcould benothing more than a tool for proselytizing, and/or a marketing gimmick insupport for"Christian" artists.While we were working on Fruitcake, I remember there was a religious group thatonceagain brought the issue of backmasking to the media, accusing us ofintentionally puttingblasphemous statements in our recordings. And since the mass media machinery isalwayson the lookout for controversy (no matter how stupid or inane it may be) toboost sales/viewership, the group got its 5 minutes of fame. Our response was to reversethe lines"Merry Christmas Everybody, Happy New Year Too" in the start of the album, anddarethem to find anything demonic in it. Our point was that if they still foundsomethingblasphemous about it, they were either paranoid, deluded, or stupid.For the record, we never intentionally put any "backmasked" blasphemous messagesinany of our recordings. I hope this puts this issue to rest. Robin Rivera


Gawa ni: Ambi Dextrose, kanang kamay ni Punk Zappa

ang dakilang tricycle

Napansin mo na ba na kapag nagbigay ka ng buong pera sa drayber ng tricycle ay minsan lang o hindi ka nito susuklian ng tama? Lagi itong nangyayari sa akin, at ang nakakainis pa eh hindi ko man lang masabing: "manong, kulang ata sukli niyo ah" dahil naaawa rin ako sa kanila dahil sa hirap ng buhay ng mga pilipino. Buti nalang sa dyip ay hindi ito pwede mangyari dahil "fixed" ang mga rate at barya-barya lang naman talaga ang ibinabayad ng mga tao. isa pang napapansin ko sa halos araw-araw na pagsakay ko sa tricycle ay ang dalawang uri ng driver. Nandyan ang driver na napakatulin magpatakbo, talagang napaka-daredevil ang dating, mabuti pa sana kung ang motorsiklo ay bago at talagang kaya pa, eh ang kaso ay mayroong mga driver na ang motor ay kasing-tanda na ni Fidel V. Ramos na talagang pinipilit na mapaabot ng 120mph ang antigo nilang mga motorsiklo. Ang pangalawang uri naman ay ang kabaliktaran nito, oo, ang driver na talagang papausukan ka sa lahat ng sasakyan sa harap niyo(kahit kapwa tricycle) dahil sa sobrang ingat niya sa motorsiklo ay hindi niya mapapayagan na patakbuhun ito ng lampas 40kmph, ang resulta ay pagkakabisado mo ng sticker sa bumper ng sinusundan niyong starex. Hindi naman lahat ng tungkol sa tricycle ay negatibo. Marami-raming bagay ang gusto ko sa mga tricycle. Una sa lahat ang kanilang nakakatuwang mga kulay, green, yellow, red, aluminum, hello kitty*(maton ang drayber), atbp. isa rin ang kanilang kakayahang sumingit sa mga eskinitang di madaanan ng kahit na anong nilalang. Syempre di mahuhuli ang advertisments sa loob tulad ng: LOSE/GAIN wt. safely, VOTE ALLAN CAYETANO, at SAYANG ANG SMILE(ginupit-gupit yata ung miles). Sa panghuli ay masasabi ko na napakaimportanteng bahagi ng kulturang pilipino ang tricycle dahil sa ginhawang nadudulot nito at dahil talo ng mga ito ang kahit na anong "thrill rides" sa disneyland.

-Cipher

dahil may manoy si mokong at may buzz si woody

Hello subscribers!

kamakailan ay napagkasunduan namin ni AmBi DeXtrosE na pagsanibin ang aming pwersa bilang mga bihasang manunulat ng mga artikulong tunay na nakaka-bighani sa mga mababasa.

Malas niyo.

-Cipher(formerly BiTaG)

Wednesday, February 14, 2007

Pwede ba akong magbackmask sa bahay?

pwede...syempre ang number one requirement ay personal computer na may sound recorder at mic. una, i click ang start button, itapat sa program, then accesories, entertainment...at i click ang sound recorder...i click ang record at itapat ang experiment(sound) sa mic. pag natapos na...iclick ang reverse..(pakihanap nalang sa mga menu box) at ayun may backmasking ka na! ENJOY??

POPEYE THE HORNY SAILOR?



SOBRANG NAKAKATAWA PERO SOBRANG NAKAKAPRANING ITO...

Tuesday, February 13, 2007

beatles...nakakatakot o nakakabilib?



ETO ANG BANDA NA NAGPASIMULA NG BACKMASKING...COMMENTS NAMAN...SHARE DIN KAYO....

Ang panimula....ng kababalaghan? o kahangaan?

ETO ANG ILAN PANG MGA REVERSED MESSAGE...SANA MAGCOMENT KAYO....

Introduction

recently, nahuhumaling ako sa kanta ng beatles...maganda music....sabi nga nila na kung na-appreciate mo ang beatles, ma-appreciate mo ang lahat ng genre...pero nung nalaman ko ang "backmasking" mostly about the paul is dead hoax issue, halos di ako makatulog sa gabi...pero ngayon..ang iniisip ko ay ito ay isang artform...coincident o hinde eh masarap parin pag usapan.....magpo-post ako ng mga backmasking dito....kayo na ang humusga....